Halos hindi na makapag-keep up ang mapagbantay na netizens sa mga mamahaling kagamitan ni Kapuso actress at fashion socialite Heart Evangelista.

Ito’y dahil nga sa sunod-sunod na pasabog nito sa kaniyang Instagram page tampok ang ilang luxury items na ang presyo ay nagsisimula lang naman sa daanglibu hanggang sa nakalululang multimilyones.

Basahin: Crazy rich Asian: Limited edition Hermes bag ni Heart, tumataginting na P20.6-M ang halaga! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang ikinaloka ng marami ang tumataginting na P20.6 milyong halagang limited edition handbag ng aktres patunay lang sa kaniyang pagiging isa ngang real-life crazy rich Asian.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Kasunod nga nito, samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang inani ng fashion icon kung saan ilan nga ang tila kinondena na ang anila’y labis-labis na pagyakap ng aktres sa materyal na bagay.

Gayunpaman, ilan pa ring fans at followers ng aktres ang todo-depensa kay Heart at ipinuntong pinaghirapan naman ng aktres ang bawat nabibili nito rangya, dahilan para walang sinuman anila ang makapagdidikta sa paggasta niya.

Basahin: ‘Di madadala sa langit? Netizens, rambol ang reaksyon sa higit P20-M limited edition bag ni Heart – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala nitong Linggo, Enero 8, ilang araw matapos ngang ikagulantang ng marami ang milyones na handbag ng aktres, isa na namang kagamitan nito ang umagaw ng pansin sa marami.

Partikular ang “Take-away Box in Leather” ng luxury brand na Yves Saint Laurent na ayon opisyal na online store nito sa Amerika ay nagkakahalaga ng mahigit P103,000. Kabog!

As usual, pinatukti na naman ng nakakaaliw na mga komento ang naturang post ng aktres.

“Unang kagat, fashion agad!” sey ng isang follower.

"Mommy, pls put the caviar inside my lunchbox,” kuwelang segunda ng isa pa.

“You've got to be kidding me heartyyy 😂😂😂!” anang 'di makapaniwalang online follower.

"Paano pa ang ulam?" laugh trip na sey ng isa pang fan account.

“Happy meal but make it sosyal ❤️!” hirit ng isa pa.

“Pwede bang maging aso sa bahay niyo?” biro ng nalulang netizen sa daanlibung halagang baunan.

Sa pag-uulat, nasa mahigit 57,000 likes na ang naturang post ni Heart sa Instagram.

Samantala, nananatili namang dedma si Heart sa kaliwa’y kanang opinyon ng marami kaugnay ng kaniyang magarbong lifestyle.