Usap-usapan ngayon ang litrato ni international singer Jessie J kung saan flinex niya ang kaniyang baby bump.

Matatandaang inihayag ng British singer ang kaniyang pagdadalantao nitong Biyernes, Enero 6.

“I am so happy and terrified to finally share this… Please be gentle with me,” saad ni Jessie J sa kaniyang caption sa Instagram.

"Honestly, ya girl just wants to ugly cry in public in a catsuit eating a chocolate covered pickle with no questions asked.”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Emosyunal ang singer dahil matatandaang minsan na siyang nakunan o na-miscarriage.

Ngunit sadyang "pilyo at pilya" ang mga netizen dahil kung titingnan daw ang litrato ni Jessie J, mapagkakamalan daw itong iba't ibang Pinay celebrities gaya na lamang ni KC Concepcion.

Ipinakita pa ito sa Facebook page na "Homepaslupa Buddies 3.0".

"Congrats, KC Concepcion!" saad sa caption.

Screengrab mula sa FB page na Homepaslupa Buddies 3.0

Samantala, may mga nagta-tag naman sa komedyanteng si K Brosas at siya ang kino-congrats. Kaloka!

"Thanks sa lahat ng nag tag saken shutanginamez lol! 😅😜" sey ng komedyante at TV host.

https://twitter.com/kbrosas/status/1611946876328378375

May mga nagsasabi pang kamukha raw si Jessie J nina Matet De Leon, at itinag pa sina Paolo Ballesteros at Juliana Parizcova Segovia.

Nakakaloka dahil hindi naman talaga buntis sina KC at K dahil nga ang naturang litrato ay kay Jessie J!

'Yun na!