Mahal ang presyo ng sibuyas? No problem!

Nagdulot ng kaaliwan sa mga netizen ang ibinahaging litrato ng gurong si "Arjay Salinas Fariñas" matapos niyang ibahagi ang pabirong alternatibo o pamalit sa sibuyas bilang panahog sa corned beef.

"Laking tipid!" saad ni Arjay sa caption ng kaniyang Facebook post. Makikita sa kalakip na litrato na sa halip na ginayat na sibuyas ang nakalagay sa ibabaw ng corned beef, mga onion rings na isang uri ng sitsirya o junk food.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Larawan mula sa FB ni Arjay Salinas Fariñas

Ayon sa panayam ng Balita Online kay Sir Arjay, hindi siya ang orihinal na kumuha ng litrato kundi nakuha lamang niya mula sa ibang social media uploader.

"Katuwaan lang po 'yan, sana po walang magalit sa akin," saad ng guro.

Nagkakahalaga ng ₱600 ang isang kilo ng sibuyas sa kasalukuyan.