Nagtungo at nakiisa umano ang bida at isa sa mga direktor ng "FPJ's Batang Quiapo" na si Coco Martin at ilan sa mga staff sa ginanap na pagdiriwang sa pista ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila nitong Lunes, Enero 9, ayon sa update ng Dreamscape Entertainment.

Ayon pa rito, ito raw ang unang beses ng taping ng serye, na sinasabing magsisimula na sa Enero 30, at papalit sa magtatapos na "Mars Ravelo's Darna: The TV Series" na pinagbibidahan ni Jane De Leon.

"Nakiisa sina Coco Martin at ang staff ng FPJ’s Batang Quiapo sa mga Pilipino at mga deboto sa paggunita ng kapistahan ng Itim na Nazareno," saad sa caption ng Instagram post.

"Ngayong araw din isinagawa ang unang araw ng taping ng #FPJsBatangQuiapo!"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang magiging leading lady ni Coco sa naturang serye ang anak mismo ni Da King na si Lovi Poe. Makakasama rin dito ang isa sa mga ehekutibo ng ABS-CBN na si Charo Santos-Concio.