Kinaaliwan ng mga netizen ang paggaya ng komedyanteng si Chad Kinis sa pinag-usapang Facebook post ni social media influencer-actress-singer na si Donnalyn Bartolome, hinggil sa pagbabalik-trabaho matapos ang holiday season.

Sa bersiyon naman ni Chad Kinis, iniugnay niya ito sa nalalapit na selebrasyon ng Valentine's Day.

"Bakit may sad dahil wala kang jowa sa darating na Valentines? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na makapili pa at makakilala ng nararapat sa'yo at maexplore ang buhay single? Trip ko pa nga maging single hanggang Feb 14 dahil superstition ko single ako ng buong taon pag ganun. Dapat grateful kahit walang jowa. If single makes you unhappy, I hope you find a jowa that will make you happy. Yung pakikiligin ka and sheet 🥹 Anyway, this is just a reminder that being single is also a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!"

Rendon Labador, may open letter kay Donnalyn Bartolome, iba pang influencers

Screengrab mula sa FB ni Chad Kinis

Disclaimer naman ni Chad, sana raw ay huwag siyang ma-bash kundi ay magkakaroon ng "sumpa" sa lovelife nito.

"Sige i-bash niyo at isusumpa ko talaga na hindi na kayo magkajowa at maging single kayo for life!" aniya.

Samantala, isang netizen naman ang nag-ala "Rendon Labador" at nakipagsabayan sa kakulitan ni Chad.

"OPEN LETTER TO ALL INFLUENCERS”

"Dear Chad,"

"Huwag kang malulungkot sa pinagdadaanan mo ngayon. Mahirap talaga ang posisyon natin sa socmed. Ma-eexpose talaga ang level ng pag-iisip natin. Kung tng tnga ka, mahahalata ng mga tao ito. Kung matalino ka naman ay ma-aappreciate naman nila ito. Kaya i-take mo itong chance na ito para mag step back at marealize na kahit sobrang taas na ng fame natin, huwag natin i-expect na sasabay ang utak natin. Siguro oras na para i-build mo naman yung ibang aspects ng buhay mo, kasi 3M followers ka na pero yung mindset mo ay pang zero following. Kung tatalino ka lang sana agad ay mas ma-iinspire mo sila ng sobra.

"Andito lang ang mga netizens para sumuporta sa'yo sa pag-aaral mo. See you at the top! #PrayForChad 🙏 #stayMotivated"

"Eme lang Mima Chad."

Screengrab mula sa FB ni Chad Kinis

Matatandaang nagkomento ang nabanggit na motivational speaker at fitness coach sa naging viral post ni Donnalyn.