Magbabawas ng presyo sa produktong petrolyo ang ilang kumpanya ng langis ngayong Lunes, Enero 10.

Kabilang sa magpapatupad ng rollback sa presyo ng langis ang Shell, Clean Fuel, Seaoil at Petro Gazz.

Bawas na P2.80 sa presyo ng kada litro ng diesel ng mga nasabing kumpanya.

Nasa P.75 naman ang itatapyas sa presyo ng kada litro ng gasolina.

National

Anna Mae Yu Lamentillo itinalaga bilang Editor in Chief ng LSE International Development Review

Ang price adjustment sa Shell, Sea Oil at Petro Gazz ay ngayong Martes dakong 6:00 ng umaga, habang ang price adjustment ng Clean Fuel ay asahan dakong 8.01 ng umaga.

Ang hakbang ng mga oil company ay resulta ngpaggalaw ng presyo ng langis sa pandaigdigang merkado.