Hiyang-hiya raw ang ama ni McCoy de Leon na si Mark de Leon sa paghihiwalay ng kaniyang anak at ng partner nitong si Elisse Joson.

Sa latest vlog ng "" data-type="URL" data-id="">Ogie Diaz Showbiz Update" noong Enero 8, ibinahagi ni Ogie ang text message sa kaniya ng kaibigang si Mark nang personal niyang tanungin ito hinggil sa isyu.

"Pasensya na Boss Ogs, sa ngayon hindi po ako makakapagsalita. Hiyang-hiya ako sa nangyari. Pasensya na po," saad umano ni Mark.

Matatandaang galing na mismo kay McCoy na hiwalay na sila ng aktres.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa serye ng kaniyang Instagram stories, humingi ng tawad ang aktor sa publiko at sinabi na hindi totoo ang ang convo na kumakalat. Ang tinutukoy ni McCoy ay screenshots ng isang conversation kausap ang TikTok star na si Mary Joy Santiago, ang babaeng idinadawit na umano’y “third-party” sa hiwalayang McLisse.

“Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit,” ani McCoy.

BASAHIN: Mismong kay McCoy na nanggaling: ‘McLisse,’ hiwalay na; walang ‘third-party’

Nilinaw rin ni McCoy na walang “third-party” na involved sa kanilang hiwalayan.

BASAHIN: Sey ni girl na dawit sa umano’y ‘hiwalayang’ McLisse: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’

Samantala, sumulat naman ng isang mensahe si McCoy para sa kaniyang anak na si Felize.

“Lagi mong tatandaan na mahal kita.

IKAW lang ang nakaka alam

IKAW lang ang makakaintindi sa akin

IKAW lang ang maasahan ko

IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay

IKAW lang ang lahat lahat ko,” saad ni McCoy sa kaniyang Instagram post.

Hangad ngayon ng aktor na kapag naikuwentona niya sa anak ang mga nangyayari ay hindi sana magbago ang tingin nito sa kaniya.

“Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Dont worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy,” aniya.

“Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh,” dagdag pa niya.

BASAHIN: McCoy de Leon sa anak na si Felize: ‘Sana pagtanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha’

As of writing, tahimik pa rin si Elisse tungkol sa isyu.