Kinagigiliwan ng mga netizen ang tila ‘shady’ Monday motivation video ng online personality na si Mimiyuuuh nitong Lunes, Enero 9. 

Naging pamilyar kasi sa mga netizen ang linyahan ni Mimiyuuuh sa kaniyang latest motivation video na ipinost niya sa social media accounts niya.

"Oh bakit ka sad? Kasi back-to-work na naman tayo? alam mo 'wag ka nang malungkot kasi mamaya may magalit... kimmy lang, kimmy lang. Huwag ka na malungkot. Oh smile ka nga daw bhe, patingin ng smile... oh ang ganda ganda ng smile mo eh. 'Wag ka na malungkot. Work na lang po tayo kasi mamaya may mag-long post... kimmy lang!!! huy kimmy lang... yung HR. Yung HR mo yung mag-lo-long post kasi ang tamad tamad mo, wala kang natatapos na trabaho. Gusto mo ba yung ganun? Oh 'di ba hindi naman. Tara work na po tayo, opo. Work tayo? Tara work po tayo. Opo," aniya.

Tuwing Lunes ay walang palyang nag-uupload ng motivation video si Mimiyuuuh para ma-motivate ang mga netizen na huwag tamaring pumasok sa eskuwela o sa trabaho.

National

VP Sara Duterte, itinangging spoiled brat siya

Matatandaang nag-viral ang pahayagng online personality na si Donnalyn Bartolome hinggil sa mga netizen na nalulungkot umano dahil balik-trabaho na matapos ang holiday season.

“Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?” saad ni Donnalyn sa kaniyang Facebook post noong Enero 3.

Dagdag pa niya, dapat daw na maging grateful dahil may trabaho: “Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work.”

“If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet,” aniya pa.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2023/01/04/donnalyn-sa-mga-nalungkot-dahil-back-to-work-na-dapat-grateful-kasi-may-work/

Kaya naman kinagiliwan ng netizens ang motivation video ni Mimiyuuuh:

"St. Donnalyn Bartolome, Patron Saint of Labor and Employment, hindi po kami karapat-dapat na magreklamo sa trabaho, ngunit sa isang post mo lamang, ay sisipagin na kami."

"Tinatamad ako bumangon pero dahil nakita ko toh at dahil may magagalit eto na babangon na!!!"

"HAHAHAHAHAHA IT’S THE LONG POST FOR ME 🤧🤧"

"THIS IS THE KIND OF MOTIVATION WE NEED AND WE WANT"

"mimi “the shady queen” yuuuh😘"

"Donnalyn left the group hahhahaa"

"TANGINA MO MIIIII HAHAHAHAHAHA SANTO YUNG KALABAN MO"

"SHUTACCA MIMI HAHAHAHAHAHAHAHHAHA KIMMY!!!!! 😂😂😂"

"THE SHAAAAADDEEEEE WAHAHHAHAHHAHAHAHAH 😂😌"

"Haahahahahahahhaa tah ka mimi —ginanahan na tuloy ako mag work! Kimmiiiiii"

"Sana lahat ng influencer ganito talaga mang motivate kesa mag long post at gaslight 😂"

"AFRAID SA LONG POST HAHAAHHAA"

"Hahahahaha I look forward to your monday motivations talagaaa 😂 And this is my fave! 😂❤️"

"Ayannn na behh may palong post na! Haha kimmyyyy 🤣"

"Shutacca HAHAHAHA I love the confidence mi naka follow pa naman kayo sa isat isa 😂😂"