Maanghang na sinagot ni Irish Tan ang naging pahayag ni Xian Gaza hinggil sa panggagamit umano sa kaniya nito.

Matatandaang inamin ni Gaza sa kaniyang exclusibong panayam sa YouTube vlog ni “Krissy Aquino” na ginamit niya si Tan.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/09/xian-gaza-ginamit-umano-ang-ex-girlfriend-noon-sobrang-nakakababa-parang-feeling-ko-tae-ako-pero-no-choice-ako/

Sey ni Tan sa kaniyang Facebook post, "inuto-uto mo ako, wala naman akong ibang mali dito. Ang mali ko lang ay nagmahal ako, naniwala ako sayo. Siguro may sira yung ulo ko hindi ko alam kung bakit nagtiwala ako sayo.”

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“Nanggaling na sa bibig mo, ginamit mo ako. HIndi ko maisip kung saan mo hinuhugot yung sinabi mong minahal mo ako. Unang-una walang pagmamahal na naganap dito galing na nga sayo, ‘ginamit mo lang ako.’ anito

Kuwento ni Tan, huwag na umanong ipaikot-ikot at manipulahin ni Gaza ang kuwento dahil wala naman talagang pagmamahalan na nangyari noon.

“Hindi ba sabi mo pa nga dati one day kapag nakaangat-angat ka at nakatayo ka sa sarili mong paa eh iiwanan mo ako. So asan ang pagmamahal ‘don?

“Nakakita ka lang ng opportunity na gamitin ako dahil mahal na mahal kita. Nag-take advantage ka dahil sa kabutihan at sa pagmamahal na pinapakita ko sa’yo, ayun ‘yon. Walang pagmamahal don,” pagpapatuloy niya

“Hindi ka lang scammer, oportunista ka! Tama yung sinasabi ng mga tao sayo,” aniya pa.

Paglilinaw ni Irish, tungkol sa mga client na sinasabi umano ni Xian na ginagawa niya sa Malaysia ay pawang imbento lamang dahil ‘di umano walang may kayang mag back-up sa istoryang isinuwalat nito.

“Gusto ko lang linawin sa lahat na yung sinasabi niyang may client na ganyan yung ginagawa ko sa Malaysia. Come on, nasubaybayan niyo yung pagllive ko sa BIGO halos gabi-gabi. Kilala tayo ng mga nakapaligid sa’tin, sa lahat ng sinasabi mo about d’yan sa imbentong kuwento mo na ginagawa ko rito sa Malaysia, may bumack-up ba sa’yo na nakakakilala sa’ting dalawa, wala ‘di ba? Pero ako lahat ng sinasabi ko about sayo, lahat ‘yon may kayang bumack-up sa nakakakilala sa’ting dalawa.” aniya sa video.

Dagdag pa niya, wala umanong pakialam sa kaniya ang mga tao, ang punto raw ng video na ‘yon ay scammer si Gaza. Kung kaya’t dapat lamang ibalik ni Gaza ang mga ninakaw niya. 

Samantala, wala pang reaksiyon, tugon, o pahayag si Gaza tungkol dito.