Usap-usapan ngayon ang pagtatanggal ng mask at pa-face reveal ng trending vlogger at "fitness expert" na si Loydi Radaza mula sa Cebu.

Ayon sa isang ulat, makikita sa kaniyang social media post ang kaniyang hitsura, kasama ang isang babae, na hinuhulaan kung tagahanga lamang o jowa na niya.

Kung matatandaang biglang sikat si Loydi noong Nobyembre 2022 matapos niyang ibida ang kaniyang six-pack abs sa social media, habang siya ay nakasakay sa isang pampasaherong bus, at sa loob ng mall.

Human-Interest

Magna cum laude graduate na pinagsuot ng toga ang ama, kinaantigan

Naitampok na rin siya sa news magazine show ni Jessica Soho na "Kapuso Mo Jessica Soho".