Hinikayat ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Linggo ang lahat ng real property owners sa lungsod na samantalahin ang pagkakataon at maagang magbayad ng kanilang real property tax (RPT) upang makakuha ng 10% diskwento sa buwis.

Nabatid na inatasan ni Lacuna si City Treasurer Jasmin Talegon na magbigay ng 10% discount sa mga real property tax owners na magbabayad ng buwis para sa kanilang aria-arian nang walang pagkakautang hanggang sa Enero 31, 2023.

Pagsapit naman umano ng Pebrero 1 hanggang Marso 31, wala nang ibibigay na diskuwento ang Manila City government at sa halip ay magpapataw pa ng multa para sa late payment.

Anang alkalde, maaaring magbayad ang mga taxpayers sa City Treasurer's Office o sa pamamagitan ng Go Manila app at www.cityofmanila.ph.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Hinikayat rin naman ni Lacunaang mga real property owners na magbayad ng buwis online upang hindi na sila mahirapan pa sa pagtungo sa Manila City Hall.

Maiisyuhan rin naman aniya sila ng e-statement of account (SOA) at e-receipt kung gagawing online ang pagbabayad.

Ani Lacuna, maaaring gumamit ng GCash, money transfer o banko sa pagbabayad online.

“Ito po ang iniiwasan natin kaya ine-encourage natin ang ating mga kababayan na gusto nang magbayad ng RPT to go online kasi ang kagandahan ng online, may binibigay nang e-SOA at e-receipt,” anang lady mayor.

“Once you have entered the Go Manila app, go to RPT payment where you will enter your tax declaration number and property identification number, from which your SOA will appear and then, you can choose whether to pay quarterly or yearly,” aniya pa.