Aangkat na ng sibuyas ang gobyerno sa gitna ng tumataas na presyo nito sa bansa, ayon sa isang opisyal ng Department Agriculture (DA).
"Tutuldukan na natin ito through importation. Hindi man magandang pakinggan, pero kailangan natin," paniniyak ni DA deputy spokesperson Rex Estoperez sa isang radio interview nitong Sabado.
Aniya, nasa 22,000 metriko toneladang sibuyas ang aangkatin ng pamahalaan upang matigil na ang tumataas na presyo nito sa merkado.
Inaasahang darating sa bansa ang nasabing sibuyas bago ang anihan sa Marso, ayon kay Estoperez.
"Dapat dumating ang mga aangkating sibuyas sa unang linggo ng Pebrero o huling linggo ng Enero para mapababa ang presyo ng sibuyas," sabi ng opisyal.
Layunin din aniya ng naturang hakbang na mabalanse ang pangangailangan ng mga mamimili sa kapakanan ng mga onion producer.
"Sa Nueva Ecija, may puti at pulang sibuyas na nasa 200 pesos per kilo pero mga reject o maliliit. Hindi talaga bumababa ang presyo sa farm gate price," sabi nito.
"Batay sa sitwasyon sa Nueva Ecija at Tarlac, may mga standing crops pa sila na magpi-peak ng February at March. Ang pangangailangan muna natin for the month, ang estimate namin ay mga 22,000 metric tons," dagdag pa ni Estoperez.
Matatandaang hindi natupad ang pangako ni DA Assistant Secretary Kristine na magkaroon ng₱250 kada kilo ng sibuyas sa mga pamilihan nitong Disyembre 30 2022 sa kabila ng mataas na demand nito sa bansa.