Inilabas ng aktor na si Carlo Aquino ang kaniyang sentimyento sa dating live-in partner na si Trina Candaza dahil hindi raw nasusunod ang co-parenting agreement nila patungkol sa anak na si Mithi.

Ayon sa panayam kay Carlo, noong Nobyembre 2022 pa niya nakasama ang anak. Tila naghihimutok si Carlo sa maikling oras na inilaan sa kaniya ng ina ng anak upang makasama ito.

"Nakakaapekto lang talaga sa akin is hindi ko nakikita ‘yung daughter ko since November," sey raw ni Carlo.

"Ayaw ko kasing magsalita ng anything against her (Trina), ‘di ba? Kasi at the end of the day, mom siya ni Mithi. Basta nag-reach out po ako. Tinanong ko po kung kailan ko pwedeng makasama, New Year ba, kasi usually ganun po."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Wala pong sagot. Siyempre, importante ‘yung time with me, ‘yung time din with my parents, ‘yung lolo’t lola na senior na, sila mommy at daddy."

“Sana, ‘di ba, mahiram ko naman. Tutal nagpo-provide ako para sa kanilang dalawa, ayoko nang isa-isahin… ng mga kailangan nila,” dagdag pa ni Carlo, na umaming nasa dating stage na sila ng Kapamilya actress na si Charlie Dizon.

Matatandaang tila nagparinig naman si Trina patungkol kay Carlo sa kaniyang social media post.