Hinikayat ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang mga mananaya na magtungo na sa pinakamalapit na lotto outlet sa kanilang lugar upang magkaroon ng pagkakataong magiging susunod na lotto millionaire.

Sa inilabas na jackpot estimates ng PCSO, nabatid na ang papremyo ng GrandLotto 6/55 ay inaasahang papalo na sa higit₱143 milyon sa gagawing pagbola ngayong Sabado ng gabi, Enero 7.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Samantala, ang jackpot prize naman ng Lotto 6/42 na bobolahin rin ngayong gabi ay nasa₱15 milyon naman.

Una nang sinabi ni PCSO General Manager Melquiades Robles na walang talo sa pagtaya sa lotto dahil sa halagang₱20 lang ay maaari nang magiging instant milyonaryo at nakatulong pa sa mga kababayan nating nangangailangan.

Ang Grand Lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado habang ang Lotto 6/42 naman ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Sabado.