Hindi napigilang mag-react ng aktor na si Joross Gamboa sa pasabog bikini picture ni Sandara Park noong Bagong Taon. 

Inupload ni Sandara sa kaniyang Instagram noong Enero 1 ang dalawang larawan niya nakasuot ng pulang two-piece swimsuit habang siya ay nasa Bohol.

View this post on Instagram

A post shared by Sandara Park (@daraxxi)

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Sa comment section, makikita na nag-react si Joross. Aniya, "hayyy.... di na kita mapipigilan. Malaki ka na... 2023 na."

Nagreply naman si Sandara sa komento.

"oo tama yan!!! D nako 19 yrs old na hinatid sundo mo and pakain sa gerrys grill!!! Hahaha. totoong childhood friends nga tayo noh?! Hay ang bilis ng panahon but we remain as good friends!!! Happy new year chuross!!!" 

Naging matalik na magkaibigan kasi ang dalawa noong "Star Circle Quest" days nila noong 2004. 

Noong Nobyembre 2022, nagpost si Joross ng throwback pictures kasama si Sandara maging ang iba pang contestant ng naturang talent competition.

“May nahalungkat ako sa baol. @mrsnerimiranda @daraxxi @sephyboi13 @iamheroangeles @mitch_madrigal mga Titos at Titas comment na #tagaytay #2005 (I found something in the trunk. @mrsnerimiranda @daraxxi @sephyboi13 @iamheroangeles @mitch_madrigal. Uncles and aunties comment now #tagaytay #2005),” aniya sa caption sa Instagram.

Kasama sa larawan sina Joseph Bitangcol, Neri Naig, Melissa Ricks at. Hero Angeles