Ang cute na cute na Scottish Fold na si Olivia Benson ay ikatlo rin sa pinakamayamang alagang hayop sa buong mundo ayon sa isang ulat.

Ito ang pagtatansiya ng website na All About Cats kamakailan gamit ang engagement rates at online activities ng ilang pet stars na pagmamay-ari ng kilalang international brands, social media influencer, at global pop star.

Ayon sa ulat, nasa $97 million o P5.3 billion ang net worth ni Olivia kung kakalkulahin ang impluwensya nito gamit ang ilang beses na paglabas ng pusa sa Instagram page ng pop star na kasalukuyang mayroong 239 million followers.

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Dahil sa kasikatang naibigay ng “Midnight” star kay Olivia na bumida rin sa sarili niyang music videos kagaya ng sa “Blank Space” at “Me,” gayundin ang matagumpay na pagrekrut sa pusa para sa naglalakihang ads, hindi kataka-taka anang ulat na lomobo ng milyong-dolyar ang net worth nito kalaunan.

Basahin: Tinirhang townhouse ni Taylor Swift sa New York, pauupahan sa halagang P2.5-M kada buwan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa ilan nang panayam, kilala si Taylor sa kaniyang pagmamahal at hilig sa pag-aalaga ng mga pusa.

Sa katunayan, maliban kay Olivia, mayroon pa siyang isang pusa na pinangalanang naman niyang si Benjamin Button.

Parehong naitampok na ni Taylor ang dalawang alaga sa kaniyang Instagram.