Pumirma na sa talent agency na Viva Artists Agency o VAA ang TikTok star na si Mary Joy Santiago nitong Huwebes, Enero 5.

Sa Facebook post ni Mary Joy, nagpasalamat ito sa mga nag-asikaso sa kaniya nang pumirma siya ng kontrata sa nasabing talent agency.

"Contract signing Viva Artist. Thank you po Ms. Rhina and Jerico Montemayor," caption ni Mary Joy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ang VAA ay tahanan ng kilalang artista tulad nina Anne Curtis, Sarah Geronimo, Xian Lim, at Bela Padilla.

Samantala, umani naman ng iba't ibang reaksyon mula sa netizens ang anunsyo ni Mary Joy.

Hati ang sey ng netizens sa balita ni Mary Joy—ang iba ay nagpahayag ng pagsuporta at ang iba naman ay muling pinag-usapan ang isyu na idinadawit siya sa hiwalayan ng real-life couple na si McCoy de Leon at Elisse Joson.

Ang tinutukoy ng netizens ay ang umanong burado nang Facebook story ni Mary Joy na kasama si McCoy.

BASAHIN: Sey ni girl na dawit sa umano’y ‘hiwalayang’ McLisse: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’

Sa isang conversation na umiikot online, inamin naman ni Mary Joy na nakakausap nito si McCoy ngunit nilinaw niya na hiwalay na ang aktor kay Elisse nang mag-usap sila.