Kinaaliwan ng netizens ngayon ang witty caption sa latest Facebook post ni Miss Universe 2015 Pia Alonzo Wurtzbach.

''Some beer… Some haggis… Some haggisan sa bed… wait wait? Charot lang.

Had the most epic start of the year at @thefifearms,'' caption nito sa Facebook post.

Sa litrato, makikita na kasama niya ang kaniyang kasintahan na si Jeremy Jauncey, na masayang nag-holiday vacation sa 'The Fife Arms,' isang hotel sa Braemar, Scotland.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sey ng mga netizens, tila'y hindi magpapatalo sa “diligan” si Pia.

Hirit ng mga netizens:

"Wagi na naman ang Pilipinas."

"I love that hagissan sa bed, Pia!"

"What kind of behavior is this, my queen?"

"Sanaol hinahagis"

"Ramdam ko ang pagkapanalo ng Pilipinas"

"Ganyan talaga miss Pia pag malamig ang weather. Gets kita "

"Ipaglaban mo ulit ang pilipinas pia walang magpapatalo"

"Buti pa to' naghahagisan ang sa kabilang mundo nag lolokohan ganto nalang kase dapat para masaya."

"Magnitude 8 at bed"

"Ikaw na!"

Matatandaang nawindang din ang ilang netizens matapos maibahagi ni Pia sa kaniyang Instagram ang larawan kasama ang jowang si Jeremy habang nag-aayos ng kanilang malaking Christmas tree.

BASAHIN: ‘Kaya pala walang Christmas balls sa Christmas tree!’ Netizens, windang sa pic ng magjowang Pia at Jeremy