Labis ang takot na naramdaman ni Manay Lolit Solis nang manigas ang kanang bahagi ng katawan niya matapos ang dialysis session noong Martes, Enero 3.

"Naku Salve, talagang I got the big scare in my life kahapon dahil parang feeling ko nagkaruon ako ng mild stroke. Biglang after my dialysis session, nanigas ang right side ng body ko , at nag slur ako sa pagsasalita. Muntik nga daw ipabalik ni Mel ang sasakyan sa hospital dahil hindi niya maintindihan ang pagsasalita ko," kuwento ni Manay noong Miyerkules, Enero 4, sa kaniyang Instagram account.

Saad pa niya, first time raw niya naranasan yun sa tagal na niyang nagda-dialysis.

"Talagang passed out ang utak ko that moment. Ewan ko kung ano ang nangyari. Pero salamat kay God na after 5 minutes yata balik na sa normal ang lahat. Pero decided na ako to see my doctor at magpa labtest. Medyo natakot ako dahil first time ko talaga naranasan iyon at very scary talaga," aniya.

National

PNP, nakasamsam ng tinatayang <b>₱20B halaga ng ilegal na droga sa buong 2024</b>

"Ewan ko ba kung bakit meron pang namatay sa session namin ng dialysis kaya parang nagtanong pa ako sa sarili ko, bakit kailangan pang mag dialysis eh mamamatay ka rin pala. Naku ang morbid talaga na first week pa lang ng New Year 2023 ito na agad ang topic, kainis talaga.

"Pero syempre dahil nadaragdagan ang edad, dagdag hina narin ng katawan. Hay naku Salve at Gorgy, at least, inabot pa natin ang 2023. Buhay na buhay, kaya bongga parin."