Laman muli ng balita ang aktor na si Paolo Contis matapos nitong batiin ang anak na si Summer sa kaarawan nito. Ayon kay Manay Lolit Solis, hindi maaalis sa aktor ang pagiging ama nito sa mga anak kahit na hindi niya ito kasama.

Sa isang Instagram post, binati ni Paolo si Summer para sa kaarawan nito. 

“Happy Birthday my Ganda! I miss you everyday!” saad ng aktor kalakip ang larawan nilang mag-ama.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2023/01/05/paolo-contis-miss-na-ang-anak-na-si-summer-lj-reyes-blessed-na-kasama-ang-mga-anak/

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

"Nasa news na naman si Paolo Contis Salve. Talagang hangga ngayon ay hindi siya makalayo sa shadow ng mga naging anak niya kay Lian Paz at LJ Reyes. Mabuti naman at tahimik ang issue sa mga anak niya kay Lian, at ang maingay lang iyon kay LJ. Lahat ng anak ni Paolo Contis ay mahal niya at pinipilit niyang maging maayos ang relasyon niya sa mga ina nito," saad naman ni Lolit sa kaniyang IG post nitong Biyernes, Enero 6.

Hindi rin daw gustong masali ni Paolo ang rumored girlfriend nito na si Yen Santos dahil wala naman daw itong kinalaman. 

"Hindi niya gustong masali si Yen Santos sa issue dahil wala naman kinalaman ito. Kaya nga lang hindi naman niya control ang media, ang pag iisip ng mga tao. Hindi rin alam ni Paolo Contis kung ano ang gagawin sa sitwasyon niya," saad ng talent manager.

"Siyempre anak niya ang mga bata at lagi din nasa isip niya. Sayang nga at nasa USA si Summer kaya hindi niya madalas makita, kaya ngayon gumagawa siya ng paraan para makita ito. Kahit ano pa sabihin, gusto din ni Paolo Contis gampanan ang pagiging ama sa mga anak niya. Nandiyan parin siya at gustong ipaalam na anytime, puwede siyang magbigay oras sa mga ito.

"Kung happy go lucky ang image ni Paolo, pagdating sa anak, isa siyang responsableng ama. Kaya naman sana mabigyan siya ng pagkakataon ipakita ito at ipadama sa kanyang mga anak. Go Paolo, ganyan nga, ikaw parin ang father nila. Hindi nila puwede alisin sa iyo ang pagiging father nila. Forever CONTIS sila, hanggang lumaki," paglalahad ni Lolit.

Noong Nobyembre 2022, pasok sa trending topic si Paolo matapos ang pagbabahagi nito ng mga litrato nila ni Yen sa kaniyang Instagram.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/11/21/paolo-contis-trending-matapos-ang-pag-flex-na-magkasama-sila-ni-yen-sa-bertdey-nito/

Bago nito, napabalita muna ang umano’y pagkakaispat sa kanilang dalawa na pumasok sa isang hotel sa Mandaluyong, matapos ang Gabi ng Parangal ng 45th Gawad Urian noong Huwebes, Nobyembre 17. Si Yen ang itinanghal na “Best Actress” para sa unang pelikulang pinagtambalan nila, ang “A Faraway Land”, na naging dahilan din umano upang mapalapit sila sa isa’t isa.

Basahin:https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/">https://balita.net.ph/2022/11/20/paolo-at-yen-namataang-hhww-na-nag-check-in-daw-sa-hotel-matapos-ang-awards-night-ng-urian/