Tila going strong pa rin ang relasyon nina Daniel Miranda at Sofia Andres dahil sa recent Instagram story ng una.

"Through thick and thin, I love you both very much," saad ni Daniel sa kaniyang IG story nitong Huwebes, Enero 5.

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Matatandaang naging palaisipan sa mga netizenkung bakit wala si Sofia sa litratong ibinahagi ni Daniel sa kaniyang IG account noong Pasko. Ang makikita lamang na kasama niya rito ay ang anak nilang si Zoe, at isang malaking Christmas tree sa kanilang likuran bilang background.

Sa IG naman ng aktres na kasama sa cast ng “The Iron Heart”, kapansin-pansing si Zoe lamang ang kaniyang ipinakita sa pic at ilang Christmas decors at centerpiece sa mesa.

BASAHIN:https://balita.net.ph/2022/12/25/sofia-andres-inunfollow-ang-jowang-si-daniel-miranda-may-hiwalay-na-pics-kasama-ang-anak-na-si-zoe/

Hinuha tuloy ng mga netizen baka katulad din ito ng mga naghiwalay na showbiz couple na sina Markus Paterson at Janella Salvador at McCoy de Leon at Elisse Joson.

Ngayon,mukhang magiging kalmado na ang pag-iisip ng mga netizen.