Kahit hindi naglaro ang import na si Andrew Nicholson, tinalo pa rin ng Bay Area Dragons ang Ginebra San Miguel, 94-86, sa Game 4 ng kanilang PBA Commissioner's Cup Finals series sa Mall of Asia Arena sa Pasay nitong Biyernes ng gabi.

Si Kobey Lam ang naging sandata ng Bay Area Dragons upang iparehas sa 2-2 ang serye.

Humakot si Lam ng 30 puntos, tampok ang sunud-sunod na walo nito upang makuha ang malaking bentahe, 84-72, limang minuto na lang ang nalalabi sa regulation period.

Umagapay sa kanya sina Hayden Blankley at Zhu Songwei upang tuluyang maiuwi ang panalo.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Hindi naman nagamit ni Ginebra import Justin Brownlee ang pagiging Best Import nito sa Commissioner' Cup dahil kumubra lang ito ng 23 puntos habang si Scottie Thompson na hinirang na Best Player of the Conference ay nakakuha lang ng 18 puntos.

Inaasahang gaganti ang Gin Kings laban sa Dragons sa Game 5 sa nasabi pa ring lugar sa Linggo, Enero 9.