Tanging manok lang ng Pilipinas na si Celeste Cortesi ang makikita sa Instagram page ng founder ng MUBA Cosmetics, isa sa official partners ng 71st edition ng Miss Universe.

Si Andres Felipe, chief executive officer at founder mismo ng nasabing cosmetic brand ang hands-on na nagbihis sa laban na labang mukha ni Celeste para sa promotional series nito sa pag-arangkada ng kompetisyon ngayong linggo.

View this post on Instagram

A post shared by Andres Felipe (@andresfelipeofficial)

National

2 taga-Laguna na parehong nanalo sa magkahiwalay na Lotto 6/42 draw, kumubra na ng premyo

Inulan ng positibong komento at pag-aprub ng maraming Pinoy pageant fans ang kabogera at walang ka-effort-effort na pag-awra ni Celeste sa close-up camera angle.

Pagpansin ng fans, fierce, confident at umaapaw lang ng ganda ang delegada ng pageant powerhouse na puntirya ang ikalimang korona para sa bansa.

Maging ang karibal at kapwa kandidata ng Colombia na isa pageant powerhouse, ang napa-wow din sa MUBA entry ni Celeste.

“Fireeee 🔥🔥🔥” papuri ni Maria Fernanda Ariztizabal, Miss Universe Colombia 2022.

Dagdag rin sa mga napahanga ni Celeste si Miss Universe Colombia 2020 na si Laure Olacuaga.

"Wow!" anang Latina beauty.

Todo-suporta rin ang masugid na Pinoy fans para suportahan ang pambato ng bansa.

“The face could seal a billion dollar deal!” anang isang fan.

“Freaking gorgeous!”

“That face never disappoints!”

“Sandaleeeeeee!!!! Sagliittttttttt lng . Koronahan nyo to. Daliii 🔥🔥🔥🔥🔥”

“Pop off ate!!!!!!!!!!!!!!! This is an amazing work!!!! Wowza PHILIPPINES COMING THROUGH 🦋✨”

“SHE ATE AND LEFT WITH NO CRUMBS, YÁLL!!!! SHE COMING THROUGH SO FREAKING MAKE WAY!!!! 🔥🔥🔥🔥🔥🔥💯💯💯💯💯💯💯”

“WOW SHE’S GIVING ME SUPERMODEL VIBES!!!!! 😍😍😍”

“Goddess!!! Thank you MUBA!!! Our queen very very beautiful!!! 🔥”

“There's Miss Universe! 🔥🔥🔥”

“I can't handle this, bow down queen 🙌🙌🙌”

Samantala, naipakita na rin nitong Biyernes ang susuoting opening dress ni Celeste na parehong inaprubahan din ng fans.

Bida rin si Celeste at kaniyang roommate na si Virginia Stablum ng Italy para sa isang promotional content.

Sa darating na Enero 14 gaganapin ang finale ng Miss Universe 2022.