Sa anunsyo ng SoundCloud Events, kumirpadong hindi na matutuloy sa orihinal na petsa ang sana’y concert ni “Soul Supreme” KZ Tandingan sa Dubai World Trade Center dahil sa hindi idinetalyeng dahilan.

SoundCloud Events/Facebook

Gayunpaman, ito ay matutuloy pa rin sa Hunyo ngayong taon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Pagtitiyak ng concert producer, naghanda sila ng mas enggrandeng show na tatanghaling “biggest Philippine Independence Day event” sa emirate.

Dagdag nito, maliban sa una nang ni-reveal na special guests ni KZ na sina Sam Mangubat, at mister na si TJ Monterde, dagdag na stars pa na makakasama ng Kapamilya singer ang iaanunsyo rin soon.

Basahin: Pakiusap na rin ng fans kina KZ at TJ: ‘Wag maki-join sa hiwalayan ng ilang celebs – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ilalatag na rin ng SoundCloud ang petsa para naman sa concert ni KZ sa Abu Dhabi, anila.

Gayunpaman, maaaring ma-refund ang mga tiket sa loob ng 15 araw para sa mga hindi na tutuloy sa musical treat. Parehong tiket naman ang tatanggapin sa Hunyo para sa mga dadalo pa rin sa concert.

Sa isang IG story, nagpaabot ng paumanhin si KZ sa fans na maaaring naabala dahil sa nabagong schedule.

Instagram story/KZ Tandingan

“I sincerely apologize to all ticket holders for any inconvenience this may have caused, but we’ll see you in June!” ani KZ.