Posibleng hindi na palawigin ng Commission on Elections (Comelec) ang voter registration kahit hindi masyadong pinansin ng publiko.

Sinabi ni Comelec chairman George Garcia, mababa pa rin ang bilang ng mga nagparehistro mula nang ituloy ito nitong Disyembre 12, 2022.

Aniya, halos 200,000 lang ang nagparehistro, malayo sa target nilang mula 1.5 milyon hanggang dalawang milyong botante.

"Kapag nagsisimula ang voter's registration, 'yung nag-resume, medyo matumal at medyo, sabi nga nila nilalangaw ang opisina ng Comelec," sabi ni Garcia sa panayam sa telebisyon.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

"Hindi ganoon karami ang pumupuntang kababayan natin despite the fact na patuloy nating panawagan na kung pu-pwede ay magparehistro 'yung mgakabataan, regular na botante," sabi ng opisyal.

Nilinaw ni Garcia, patuloy ang kanilang programang "Register Anywhere" upang hindi na mahirapan ang mga botante.

Binigyang-diin pa ni Garcia, tatagal ang registration hanggang Enero 31 ng taon.

'"Wag po kayong aasa sa mga sabi-sabi naie-extendng Comelec. Eh paano po kung hindi namin i-extend 'yung registration.Sayang naman po na kayo ay makakapagsabi kung sino ang gusto n'yong leader ng inyong barangay, 'yung nirereklamo n'yong barangay officials, 'yung mga gusto n'yong barangay officials, eh kahit paano magkakaroon kayo ngayon ng dahilan upang sila' y ihalal o hindi ihalal kung kayo ay rehistradong botante," pahayag pa ni Garcia.