Ibinahagi ni "It's Showtime" host-dancer Vhong Navarro ang kaniyang dasal sa pagpasok ng Bagong Taon, ayon sa kaniyang Instagram post noong Disyembre 31, 2022.

Inaasam ni Vhong na mas maging "mabait" pa sa kaniya ang 2023 lalo't hindi pa nagsisimula ang pagdinig ng kaso sa kaniya ni Deniece Cornejo.

Mapalad lamang na napayagan siyang magpiyansa bago mag-Pasko kaya pansamantala siyang nakalaya at nakasama ang kaniyang mga kapamilya at kaibigan.

"Praying for a kinder 2023 😌🙏🏻 Happy New Year! 💥🎆🎊🎉" caption niya sa kaniyang Instagram post kalakip ang litrato nila ng kaniyang pamilya.

Vhong Navarro, pinakamasayang Pasko ang naranasan ngayon; nagpasalamat sa mga sumusuporta

Bumuhos naman ang magagandang mensahe sa kaniya ng mga netizen.

"Happy new year Kuyz Vhong sana tuloy-tuloy ang masayang bagong taon para sa iyo, isa kang mabuting tao, nawa'y proteksyunan ka ng Poong Maykapal laban sa masasamang tao."

"Happy New Year Vhong! God bless you and your family! We love you!! Stay strong and pray always!!"

"Balik ka na sa Showtime Kuyz Vhong, we miss you!"

Noong Pasko ay nakasama rin niya ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.