Sa kabila ng ingay ngayon tungkol sa hiwalayang McCoy De Leon at Elisse Joson, ibinuking ng misis ni dating Hashtag member Nikko Natividad ang pagcha-chat sa mister ng isang babae noong 2017, na hindi naman niya tinukoy ang pangalan.

Sa pamamagitan ng kaniyang Instagram story, ibinahagi ni Cielo Mae Eusebio ang screengrab ng umano'y mensahe ng isang babae kay Nikko noong 2017.

Mababasa sa mensahe nito na "Hi Nikko!"

Hindi naman tumugon dito si Nikko.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Mapapansin ding hindi sila magka-follow sa isa't isa.

Nagbigay naman ng reaksiyon at komento rito si Cielo.

"Yes? Ano hanap mo? Buti na lang wala na kaming tindang yelo noong 2017."

"Partida di ka pa naka-follow nyan ha, follow-follow din," sey pa ni Cielo.

Screengrab mula sa IG story ni Cielo Eusebio

Sino nga kaya ang naturang babae?