Naghain na ng courtesy resignation si Philippine National Police (PNP) chief General Rodolfo Azurin, Jr. nitong Huwebes.
Ito ay kasunod ng panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos nitong Miyerkules sa mga heneral at koronel ng pulisya na magbitiw na dahil sa pagkakasangkot umano ng mga ito sa bentahan ng illegal drugs.
Nauna nang binanggit ni Abalos na isa ito sa mabilis na paraan ng "paglilinis" sa hanay PNP.
Bukod kay Azurin, nagsumite na rin ng resignation sina deputy chief for administration Lt. Gen. Rhodel Sermonia; deputy chief for operations Lt. Gen. Benjamin Santos Jr. at chief of the directorial staff Maj. Gen. Michael John Dubria.
“This call of SILG (Secretary of the Interior and Local Government) is a test of individual character. And as an answer, I am taking the lead to submit myself to such evaluation, assessment, and scrutiny by the committee. We, in the uniformed service, are trained and prepared and are expected to prioritize public service over personal interests. Similarly, I support and uphold the guidance of our beloved President Ferdinand R. Marcos Jr. to every policeman to keep our integrity untainted and to do our best to uphold the moral ascendancy of the PNP and to ensure the continuity of public rapport,” sabi ni Azurin sa ipinatawag na pulong balitaan sa Camp Crame nitong Huwebes.
Sa loob ng 30 araw, isasailalim sa assessment at evaluation ng 5-man committee ang mga naghain ng courtesy resignation.
Nauna nang inihayag ni Azurin na hindi bababa sa 10 na heneral at koronel ang nasa kanilang listahan na dawit sa pagbebenta ng iligal na droga.
Binibigyang ng hanggang Enero 31, 2023 ang mga opisyal ng PNP upang makapagsumite ng resignation.
PhilippineNews Agency