Marami ang napa-sana all sa vlogger/mukbanger na si "Boy Tapang" matapos niyang ipakilala sa publiko ang kaniyang girlfriend na isang Filipino-American citizen.

Sa kaniyang vlog, ipinakilala ni Boy Tapang ang kaniyang Fil-Am jowa na si LJ Satterfield o "Girl Tapang".

Sinabi ni Boy Tapang na deserve ng kaniyang kasintahan na i-flex sa madlang pipol.

"Siya 'yung babae na hindi maarte. Ibang-iba yung personalidad niya-- malambing, sweet. Yung pag-treat niya sa akin napakaiba. Na-fall talaga ako sa kanya. Iba 'yung feelings ko," aniya.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Sabi ko nga, ito na 'yung babaeng hinahanap ko sa totoong buhay ko," dagdag pa ni Boy Tapang.

May pabiro namang hirit si Boy Tapang:

"Anakan ko na kaya mga KATAPANG para di ako iiwan!?"

Mapapanood ang pa-jowa reveal ni Boy Tapang sa kaniyang vlog.

Kilala si Boy Tapang sa kaniyang mga pambihirang mukbang.