Isa sa mga nagbigay ng reaksiyon at komento sa naging trending na Facebook post ng social media personality-actress na si Donnalyn Bartolome, ang motivational speaker, fitness coach, at social media influencer na si Rendon Labador.

Janina Vela, nag-react sa naging pahayag ni Donnalyn Bartolome: 'Valid mapagod at malungkot'

Ipinahatid ni Rendon ang kaniyang mensahe kay Donnalyn at sa iba pang kapwa influencers sa pamamagitan ng isang open letter, na makikita naman sa kaniyang Facebook post. May pamagat itong “OPEN LETTER TO ALL INFLUENCERS”.

"Dear Donnalyn,"

"Huwag kang malulungkot sa pinagdadaanan mo ngayon. Mahirap talaga ang posisyon natin sa socmed. Ma-e-expose talaga ang level ng pag-iisip natin. Kung tng tnga ka, mahahalata ng mga tao ito. Kung matalino ka naman ay maa-appreciate naman nila ito," aniya.

"Kaya i-take mo itong chance na ito para mag-step back at ma-realize na kahit sobrang taas na ng fame natin, huwag natin i-expect na sasabay ang utak natin. Siguro oras na para i-build mo naman yung ibang aspects ng buhay mo, kasi 16M followers ka na pero yung mindset mo ay pang zero following."

"Kung tatalino ka lang sana agad ay mas maiinspire mo sila ng sobra. Andito lang ang mga netizens para sumuporta sa'yo sa pag-aaral mo. See you at the top! #PrayForDonnalyn 🙏 #stayMotivated"

Screengrab mula sa FB ni Rendon Labador

Sa isang komento sa mismong viral post ni Donnalyn ay nagtataka pa si Rendon kung bakit umabot umano sa 16M followers si Donnalyn.

Screengrab mula sa FB ni Donnalyn Bartolome

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Donnalyn sa open letter ni Rendon.