Nasa 459 pang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang naitala sa bansa nitong Huwebes.

Ito ang kinumpirma ng Department of Health (DOH) at sinabing bahagya itong tumaas kumpara sa 326 na naitala nitong Miyerkules.

Sa kabila nito, sinabi ng DOH na patuloy pa ring bumababa ang aktibong kaso ng sakit na nasa 11,779 na lamang nitong Disyembre 5.

Sa kabuuan, nasa 4,065,910 na ang nahawaan ng Covid-19 sa bansa.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Naitala pa rin ng DOH ang pinakamataas na kaso ng sakit sa Metro Manila, kasunod ang Calabarzon (Region 4A), Central Luzon, Western Visayas at Cagayan Valley.

Tumaas naman sa 3,988,860 ang nakarekober sa sakit habang nasa 65,451 naman ang binawian ng buhay.