Kinumpirma na ni McCoy de Leon na hiwalay na siya sa kanyang partner na si Elisse Joson.

BASAHIN: Sey ni girl na dawit sa umano’y ‘hiwalayang’ McLisse: ‘Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy’

Sa serye ng kaniyang Instagram stories, humingi ng tawad ang aktor sa publiko at sinabi na hindi totoo ang ang convo na kumakalat. Ang tinutukoy ni McCoy ay screenshots ng isang conversation kausap ang TikTok star na si Mary Joy Santiago, ang babaeng idinadawit na umano'y "third-party" sa hiwalayang McLisse.

"Hindi po totoo yung mga convo na kumakalat, hindi po ako yun. Pasensya na po ulit," ani McCoy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nilinaw rin ni McCoy na walang "third-party" na involved sa kanilang hiwalayan.

"Wala po involve na ibang tao ang pinakarason kami naghiwalay. Sana po maniwala po kayo."

Aniya, wala siyang intensyong manloko o manakit ng ibang tao.

"Sadyang dumating lang po sa point na sobrang bigat ng problema kaya po ako sumuko," pagpapaliwanag ni McCoy.

Samantala, sumulat naman ng isang mensahe si McCoy para sa kaniyang anak na si Felize.

BASAHIN: McCoy de Leon sa anak na si Felize: ‘Sana pagtanda mo ‘wag magbago tingin kay daddy ha’

Hangad ngayon ng aktor na kapag naikuwento na niya sa anak ang mga nangyayari ay hindi sana magbago ang tingin nito sa kaniya.

Wala namang inilabas na pahayag si Elisse hinggil sa isyu.