Hot topic ngayon sa social media ang Facebook post ni social media influencer-actress Donnalyn Bartolome hinggil sa pagbabalik-trabaho pagkatapos ng holiday season.

Aniya, nagtataka siya kung bakit may mga taong nalulungkot sa muling pagbabalik-trabaho matapos ang mahaba-habang bakasyon. Dapat daw masaya sa pagpasok dahil may blessing ng trabaho. Kung siya nga raw ang tatanungin, bet niyang magtrabaho sa unang araw ng Enero para may tuloy-tuloy na trabaho sa buong 2023.

Pahayag ni Donnalyn ukol sa balik-trabaho, umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens

"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work," pahayag ni Donnalyn.

"If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet 🥹 Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!" aniya pa.

Ibinahagi naman ito ni Kuya Kim sa kaniyang Facebook post at saka kinomentuhan.

"To do something you enjoy and get paid for it is a blessing. Some are not blessed this way despite the fact that they try so hard to find work they enjoy. They are blessed differently naman. A good wife? Beautiful kids? Good health? Iba iba ang blessings. Ibat iba din ang diskarte sa ibat ibang break sa buhay. Just my 2 centavos. Back to you guys," ani Kuya Kim.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Donnalyn tungkol dito.