Mainit na usapin ngayon sa showbiz ang isyu ng hiwalayan ng "McLisse" o McCoy De Leon at Elisse Joson, at pagkakadawit naman ng umano'y "third party" na si Mary Joy Santiago.

Pumalag naman si Mary Joy sa mga nambibintang sa kaniyang siya ang dahilan kung bakit nagkahiwalay ang dalawa. Aniya, saka siya pumasok sa eksena nang tuluyan na nga silang mag-break.

Mary Joy Santiago, may cryptic post; para nga ba sa mga 'marites' sa isyung idinadawit siya?

Dahil dito, muling nahagilap ng mga netizen ang lumang Instagram post ni Mary Joy noong Disyembre 13, 2022 daw.

"I don't wanna wait, not anymore," caption ni Mary Joy kalakip ang kaniyang litrato na nakasuot siya ng itim na bikini.

Mapapansing nagkomento naman si Elisse tungkol dito.

"Self respect is power," aniya.

Screengrab mula sa IG ni Mary Joy Santiago

Hindi naman malinaw kung ano ang konteksto ng post ni Mary Joy at ang tugon ni Elisse dito.