Humihingi ng panalangin ang Queen of All Media na si Kris Aquino dahil siya at ang kaniyang anak na si Bimby ay sasailalim sa confinement para sa kanilang medical assessment.

Isinapubliko ito ni Kris sa pamamagitan ng comment section ng fan page na @krisaquinoworld na nag-upload ng larawan niya na.

Larawan Kris Aquino (viaa krisaquinoworld)/IG

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"THANK YOU for keeping us in your prayers- next week we super need MORE especially for our doctors. Bimb needs to go in for a few nights confinement for his full medical assessment," anang Queen of All Media.

Ang blood type ni Bimby at kuya nitong si Josh ay tulad ng kay Kris, kung kaya'y kinakailangan nilang dumaan sa mga clinical test.

Larawan Kris Aquino (viaa krisaquinoworld)/IG

Samantala, sinabi naman ni Kris na iniiwasan niyang mag-upload ng mga larawan niya dahil pinananatili niya ang kaniyang privacy ng kaniyang immunosuppressant therapy.

Dagdag pa niya na gagawa siya ng dokumentaryo ng kaniyang pakikipaglaban sa sakit upang ipakita na hindi siya sumuko at ipinagpatuloy niya ang kaniyang laban.

Larawan Kris Aquino (viaa krisaquinoworld)/IG

Nitong Pasko, umani ng reaksyon mula sa netizens ang larawan ni Kris na ayon sa netizens ay nagkakaroon ng progreso ang kalusugan niya.

BASAHIN: ‘Gaining weight!’ Latest photo ni Kris Aquino, umani ng reaksiyon sa netizens