Biniro ng mga netizen ang Kapamilya actress na si Maris Racal matapos niyang mag-post ng litrato na tila "sad" siya dahil back to work na siya at tapos na ang bakasyon sa Tagum City, Davao Del Norte.

"Bye Tagum," ayon sa caption ni Maris sa kaniyang Facebook post noong Enero 3, 2023.

"Back to work," aniya pa.

Pahayag ni Donnalyn ukol sa balik-trabaho, umani ng samu't saring reaksyon mula sa netizens

Sa isa pang Facebook post, tinanong ni Maris kung ano ang dreams at plans ng mga netizen ngayong taon.

"Back to work na ulit! 🤍" aniya.

"Ano dreams and plans n'yo for this year?"

Inulan naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen. Ang iba, ikinomento pa ang naging post ni Donnalyn.

"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya? Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work. If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet 🥹 Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!! 🤍"

"Be thankful you have work, char haha."

"Plano ko makasama ka sa work haha."

"Yan ganyan dapat, hindi yung sad pag back to work na."

"Work po tayo opoh, work po tayo."

Sa posts ni Maris ay wala naman siyang pinaringgan o pinasaringan dahil sadyang "maloko" lang talaga ang mga netizen, lalo na isyu kay Donnalyn.