Nagsalita na ang babaeng idinadawit sa umanong hiwalayan ng showbiz couple at real-life partner na sina McCoy De Leon at Elisse Joson o mas kilala bilang "McLisse."

Sa isang post ng Facebook user na si Merrie Lette, ibinahagi nito ang screenshots ng palitan ng pag-uusap nila ni Mary Joy Santiago, ang iniintriga ng netizens na umano'y naging "ka-third party" ni McCoy.

Ito ay matapos maispatan ng netizens ang ngayo'y burado nang Facebook story ni Mary Joy na kasama si McCoy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon sa chika ng ilang netizens, cheating issues ang naging sanhi ng hindi pa kumpirmadong balita sa hiwalayang McLisse.

Sinabi naman ni Mary Joy, na "hiwalay" na ang McLisse bago sila mag-usap ni McCoy.

"Oo kaya nakiki-chismis ka na wala ka naman alam?… Di mo pa siguro na-try i-message kahit isa sa mga sikat or artist. Hehe. Paganda ka muna. And btw, baka sabihin mo din kabit ako e. BREAK NA SILA BAGO KAMI MAG-USAP NI MCCOY, OK?"

Dagdag pa ni Mary Joy, maging ang esports player na si Tristan Cabrera o mas kilala bilang “Yawi Esports” ay nagcha-chat din sa kaniya.

Samantala, wala namang opisyal na pahayag ang couple na nagkukumpirma sa kanilang hiwalayan.

Matatandaan na noong Disyembre 19, nagpost pa si McCoy ng kanilang larawan ng kanilang anak na si Felize McKenzie at nag-caption na, "Lagi mong tatandaan na mahal kita."