Dedma sa bashers ang proud retokada at CEO ng isang beauty line na si Rosemarie "Rosmar" Tan matapos isapubliko nito ang kaniyang pagpapatangos ng ilong.

Sa isang TikTok video, pinalagan ni Rosmar ang mga umano'y bashers nito na nagsasabing matagal na siyang nagparetoke.

"Para sa mga nagsabing retokada ako noo, pahiya kayo, ngayon lang," ani Rosmar habang sumasayaw.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sinabi naman nitong isasapubliko niya ang balita ng kaniyang pagpapa-ayos ng ilong kung sakaling gawin man niya ito.

"Sabi ko naman sainyo pag nagparetokeee ako iannounce ko, HAHAHA mahirap kasi umamin noon kung di naman totoo binibintaaang nyo HAHAHA," caption ni Rosmar sa isang post at sinabing "#ProudRetokada."

Sa sumunod na post naman nito sa kaniyang Facebook account, ipinakita nito ang kinalabasan ng kaniyang nose surgery.