Patay ang isang 76-anyos na retiradong guro matapos masagasaan ng trak ng basura sa Barangay Baesa, Quezon City nitong Miyerkules ng hapon, Enero 4.

Kinilala ng Quezon City Police District (QCPD) District Traffic Enforcement Unit (DTEU) Traffic Sector 6 ang biktima na si Luzviminda Evangelista, residente ng Barangay Baesa.

Sa inisyal na ulat, binabaybay ng garbage truck na minamaneho ni Dominador Fernandez Malate, 50, ng Pasig City ang Baesa Road na magmumula sa Quirino Highway at patungo sa Caloocan nang masagasaan nito ang biktimang tumatawid sa kalsada.

Ang biktima ay idineklarang dead on-the-spot ng Barangay Beasa Medic Team.

National

Sen. Bong Go, pinakiusapan si Sen. Imee na pagkasunduin muli sina PBBM, VP Sara

Ang suspek ay nasa kustodiya na ng pulisya.

Ang insidente ay nasa ilalim pa rin ng imbestigasyon, anang pulisya.

Aaron Homer Dioquino