Kaliwa’t kanang panayam mula sa iba’t ibang media organization mula Amerika, at pageant vloggers ang sumalubong agad sa manok ng Pilipinas sa Miss Universe 2022 na si Celeste Cortesi.

Ito ang tagpo sa paglapag ng kandidata nitong Enero 4, Miyerkules sa Pilipinas, sa Louisiana na target na maiuwi ang ikalimang Miss Universe crown para sa bansa.

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Suot ang pulang ensemble, litaw na litaw agad ang kabogerang awra ni Celeste na pinagkaguluhan nga ng pageant fans sa airport pa lang.

Usap-usapan at viral din ang airport look ng delagada sa nangungunang pageant page na Missosology.

Isa si Celeste sa heavy favorites para sa prestihiyusong korona ngayong taon, kahanay ang ilang delagada ng kapwa pageant powerhouse na bansa kabilang na ang Thailand, Puerto Rico, Colombia, USA, bukod sa iba pa.

Nangunguna rin sa mga pageant predictions ang mga delagada ng Peru, South Africa, Italy, Vietnam, at Spain.

Sa pagdating ng mga delegada sa New Orleans, opisyal nang aarangkada ang kanilang pre-pageant activities bago ang inaabangan nang bardagulan sa finale sa Enero 14.