Sa kabila ng issue na kinahaharap, usap-usapan ngayon ang mensahe ng aktor na si Mccoy de Leon para sa kanilang anak ni Elisse Joson na si Felize.

"Lagi mong tatandaan na mahal kita.

IKAW lang ang nakaka alam

IKAW lang ang makakaintindi sa akin

Sey ni girl na dawit sa umano'y 'hiwalayang' McLisse: 'Break na sila bago kami mag-usap ni McCoy'

IKAW lang ang maasahan ko

IKAW lang ang rason kaya ako nabubuhay

IKAW lang ang lahat lahat ko," saad ni McCoy sa kaniyang Instagram post noong pang Disyembre 19.

Hangad ngayon ng aktor na kapag naikuwentona niya sa anak ang mga nangyayari ay hindi sana magbago ang tingin nito sa kaniya.

"Sana pag tanda mo wag magbago tingin kay daddy ha pasensya na kung hindi lang talaga nakaya ni daddy. Sana maikwento ko sayo pagtanda mo. Dont worry masasaya naman ikkwento ko na may konting problema hehe para naman maintindihan mo si daddy," aniya.

"Basta ha lagi kang nasa isip ni daddy pasensya na rin kung dito ko nailagay message ko hindi ko na alam paano kita makakausap eh," dagdag pa niya.

Hiling din niya sa anak na huwag bibigyan ng sakit ng ulo ang inang si Elisse.

"Wag bibigyan ng sakit sa ulo si mommy ha i-love mo siya. Last na...anak wag mo silang pansinin ok? Mahal na mahal kita anak ko. Miss na miss na kita sobra...*hug na mahigpit*"

Apat na araw matapos ang Bagong Taon, umingay ang mundo ng social media matapos maispatan ng netizens ang ngayo’y burado nang Facebook story ng TikTok star na si Mary Joy Santiago na kasama si McCoy.

Haka-haka ng mga netizen na hiwalay na umano sina McCoy at Elisse at sinasabing third party umano si Mary Joy.

Gayunman, nagsalita na umano si Mary Joy hinggil sa isyu.

Sa isang post ng Facebook user na si Merrie Lette, ibinahagi nito ang screenshots ng palitan ng pag-uusap nila ni Mary Joy Santiago.