Usap-usapan ngayon ang giant kambal na saging na flinex ng isang lola mula sa Cabusligan, Bantay Ilocos Sur na mas mahaba at mataba pa yata sa isang 1.5 litro ng softdrinks.

Ayon sa ulat, ang nasabing dambuhalang kambal na saging ay pagmamay-ari ni Lola Paula Alcantara. Makikita sa litrato na mahaba ang naturang prutas, na hindi tipikal sa mga ganitong uri.

Lola Paula Alcantara (Larawan mula sa FB page ng GO Ilocos via Bombo Radyo Vigan

Human-Interest

Anim na transplant patients sa Brazil nahawa ng HIV sa organ donors

Naani raw ni Lola Paula ang naturang kambal na saging sa kaniyang bukirin.

Sey naman ng ilang mga netizen, hindi raw kagulat-gulat ang ganitong variety ng saging. Ang tawag umano sa ganitong klaseng saging ay "tindok" na kadalasang makikita sa Batangas, Palawan, at iba pang lalawigan sa Visayas region.

Larawan mula sa FB page ng GO Ilocos via Bombo Radyo Vigan