Wala na umanong dapat ikabahala ang mga tagahanga ni "Hawkeye" na si Jeremy Renner dahil maayos na ang kaniyang kalagayan at kasalukuyang nagpapagaling sa Intensive Care Unit (ICU) ng isang ospital.

Ayon sa ulat, naaksidente si Renner nang masagasaan umano siya ng "snowcat" na ginagamit sa pagtanggal ng mga namuong niyebe o snow sa driveway, sa unang araw pa mandin ng Bagong Taon.

Nagtamo ng matitinding sugat sa mukha at katawan si Renner, ngunit sa pagkakataong ito ay totoo, at malayo sa fictional movies na inihahatid ng Marvel Studios.

"Thank you all for your kind words. 🙏. I'm too messed up now to type. But I send love to you all," ani Renner sa kaniyang Instagram post ngayong Enero 4.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bumaha naman ng encouraging words mula sa kaniyang mga kasamahan sa Hollywood gayundin sa netizens.

Get well soon, Hawkeye!