Ibinida ni Leon Barretto, kapatid nina Dani, Claudia, at Julia Barretto, ang kanilang family photo sa pagsalubong ng Bagong Taon, na makikita sa kaniyang Instagram post noong Enero 2, 2023.

Aniya sa caption, "Happy new year everybody! Hello 2023 🎊🎇."

"PS. We still don’t know how to take a proper family photo."

Dennis Padilla, muling binati ang mga anak nitong Bagong Taon; mga Barretto, dedma muli

Kapansin-pansin namang kasama nilang nagdiwang sa oras ng putukan ang boyfriend ng kaniyang Ate Julia na si Gerald Anderson.

Sa comment section naman ay bumaha ng pagbati sa pamilya Barretto.

Samantala, usap-usapan naman ang pagbati ni Dennis Padilla ng "Happy New Year" sa kaniyang mga anak.

Sa comment section, wala sa mga anak na binati ang nagkomento ng tugon.

Abangers ang mga netizen sa update ni Dennis kung nagpadala ba ng pribadong mensahe ang mga anak bilang response dito.