Milyun-milyong views at daang libong halakhak ang inani ng isang kakaibang pagsalubong sa bagong taon kung saan ang puntirya ng isang content creator, mga nagkakautang sa kaniya na inabot na ng bagong taon.

Sa halos isang minutong video ng content creator na si Eys Hombre nitong Enero 1, habang nasa gitna ng putukan para sa pagsalubong sa taong 2023, malinaw na target ng kaniyang mensahe ang naghatid ng good vibes online.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

“Happy new year! Wooo! Happy new year, be! Happy new year!” aniya sa pagsisimula ng video na tila peg ang viral new year salubong din noon ni People’s Champ Manny Pacquiao.

“Be, magbayad ka na ng utang mo. Hindi pinapaabot ng bagong taon ang mga utang. What if mag-pay? ‘Di pa magbabayad ‘yan! Magbayad ka na be! Magbayad ka na ng utang mo!” sunod na tila seryoso ngunit nakakatawang hirit na ni Eys.

Dagdag na panggigisa niya, “Galing-galing mo mangutang e. ‘Di pa magpe-pay. Mag-pay ka na be, tumatanggap ako ng Gcash payment. Magbayad ka na be. Happy new year!”

‘Di pa natapos ang pilyong online personality na nagbigay pa ng suhestyon sa huli kung paano mababayaran ang hiniram na halaga.

“Kahit idaan mo pa sa G-Credit, go! Magbayad ka na ng utang mo. Hindi ‘yung pinapaabot mo pa hanggang 2024!” pagatatapos niya.

Agad na ikinahalakhak ng daang libong netizens ang naturang video na ikinarelate din ng marami.

“Ang dami kong gustong i-tag! Hahahaha,” komento ng isang follower ni Eys.

“Hayop, ang laugh trip!” segunda ng isa pa.

“Walang magbabagong taon! Singilan agad!” pilyong paggatong ng isa pa.

“I remember so many people!”

“Tawang-tawa ako naka-poker face ka pa Hombre!”

Sa pag-uulat, umani na ng nasa mahigit 655,000 reactions, 19,000 comments at 6.9 million views ang viral video sa Facebook pa lang.