Isang taga-National Capital Region (NCR) ang pinalad na makapag-uwi ng tumataginting na₱19.5 milyong jackpot prize ng MegaLotto 6/45 na binola ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Lunes ng gabi, Enero 2, 2022.

Sa abiso ng PCSO nitong Martes, nabatid na matagumpay na nahulaan ng lucky winner ang six-digit winning combination ng MegaLotto 6/45 na 04-26-38-15-34-17 kaya’t naiuwi nito ang katumbas nitong jackpot prize na₱19,503,337.

Ayon kay PCSO Vice Chairperson at General Manager Melquiades Robles, nabili ng lucky bettor ang kanyang lucky ticket sa Merville, Parañaque City.

Upang makubra ang kanyang premyo, pinayuhan naman ni Robles ang mapalad na mananaya na magtungo lamang sa punong tanggapan ng PCSO sa Mandaluyong City.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Kailangan rin aniya nitong iprisinta ang kanyang lucky ticket at dalawang balidong IDs.

Hinikayat rin naman ni Robles ang publiko na tangkilikin ang mga PCSO games, partikular na ang lotto, upang magkaroon na ng pagkakataong magiging susunod na milyonaryo ay makatulong pa sa kawanggawa.

Ang MegaLotto 6/45 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes.