Nagdulot ng inspirasyon at kasiyahan sa puso ng mga netizen ang video ng isang delivery man na may kapansanan, dahil sa kabila ng sitwasyon niya ay nagawa pa rin niyang "lumaban nang patas sa buhay" at magbanat ng buto.

Ayon sa panayam ng Manila Bulletin, ang uploader ng naturang TikTok video ay si "Kirsche Cherry". Makikitang gamit ang kaliwang paa ay lumundag-lundag ang delivery rider upang kunin ang isang item na nakabalot sa brown paper bag.

Tinulungan naman siya ng isang lalaki sa pagbukas ng glass door ng establisyimiento.

Natanong umano si "Kuya Boji" kung ano ang inspirasyon niya sa buhay.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

"My inspiration sa buhay, si God po. Syempre kasama din po sa inspiration ko ang mga mahal ko sa buhay. At yung mga taong nagtitiwala sa kakayanan ko at sa mga taong nagmamahal sa akin," aniya.

Umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento mula sa mga netizen.

“Naluha ako sa tuwa na daming kababayan natin panay reklamo sa buhay, pero ang iba pilit na kumakayod para mabuhay salute kuya!”

“Minsan napapaisip ako napaka-ungrateful ko kasi kinu-question ko pa si Lord sa situation ko habang may mga ganitong tao… Hays bless you po."