Hinimok ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Martes ang lahat ng mga business owners sa lungsod na mag-renew na ng kanilang business permits upang makaiwas sa last-minute rush.

Ang lahat naman ng business owners na nag-o-operate ng kanilang negosyo ay pinayuhan ng alkalde na gamitin ang online payment system ng pamahalaang lungsod.

Mas tipid kasi aniya ito sa oras, pagod at pera, sa halip kung gagawin nila ang pagre-renew ng personal. 

Dagdag pa ng alkalde, maliban sa online system, maaari ding magbayad sa Manila City Hall o sa mga one-stop shop kiosks sa SM Manila.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nabatid na na- briefed na ni Electronic Data Processing Services (EDP) Chief Fortunato Palileo si Lacuna nang magset-up ito para sa nalalapit na business renewal sa nasabing mall.

Ayon kay Palileo, ang iba pang Go Manila payment machines ay magiging available sa Robinsons Manila, SM San Lazaro, at Lucky Chinatown para tumanggap ng cash payments para sa business permits at taxes. 

Idinagdag pa nito na ang iba pang payment para sa Go Manila services tulad ng health card payments ay magiging available na rin sa apat na malls sa Maynila. 

Ang iba pang online payment at renewal ng business permit ay available din sa pamamagitan ng Go Manila app sa www.cityofmanila.ph..

Samantala, binigyang-direktiba na rin ni Lacuna si Bureau of Permits chief Levi Facundo na magpalabas ng paalala sa lahat ng business owners sa lungsod tungkol sa available na renewal systems.

Sinabi naman  ni Facundo na ang  business permit renewals ay fully automated na mula sa application hanggang sa pagbabayad. 

Aniya pa, maging ang pagkuha ng statement of account hanggang sa resibo ng permit ay fully electronic na rin. 

“All ancillary permits like barangay clearance and FSIC are already included, so there is no need to make a trip to these offices. Wala na rin pong delivery ng permits. What they see in their app in digital form can be printed and posted in their respective establishments,” dagdag pa nito.              

Para naman sa early payments, sinabi ni Facundo na magbibigay ng 10% discount ang pamahalaang lungsod base na rin sa utos ni  Lacuna. 

Aniya, ito ay para sa payments na ginawa hanggang Enero 20, 2023.