Ibinunyag ng aktres na si Glydel Mercado ang dahilan ng kaniyang bonggang-bonggang pagpayat, sa naganap na media conference para sa pelikulang "That Boy in the Dark" na pinagbibidahan ni Joaquin Domagoso.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Salaysay ng mister ni Tonton Gutierrez, napag-alaman nilang kinulam umano siya ng isa sa mga kaanak niyang hindi natulungan.

Ayon sa ulat, nalulungkot umano si Glydel dahil noon daw na nabubuhay pa ang kaniyang ama ay natulungan naman ito, at nang mamatay ito, siya na umano ang nagpatuloy sa pagtulong sa kanila lalo na nang pasukin na niya ang showbiz.

Bago ang pagpapakonsulta sa albularyo upang magpatawas, nagpatingin muna sila sa mga espesyalista subalit kataka-takang maayos naman ang mga resulta ng kaniyang executive check-up.

Sa kabila nito ay unti-unting nabawasan ang timbang ni Glydel at nawalan siya ng ganang kumain. Paglalarawan pa niya, parang nagkaroon pa siya ng takot sa pagkain. Nakaranas din siya na habang kumakain siya ay umiiyak siya.

Dahil naniniwala sila ni Tonton sa tawas, doon na siya kumonsulta. Ayon pa sa albularyo, buhay raw niya ang nais na hingin ng kaanak na nagpakulam sa kaniya.

Ibinalik daw ng albularyo ang kulam sa gumawa nito sa kaniya. Bandang Nobyembre, napag-alaman nilang namatay na ang kaanak na nagpakulam sa kaniya. Hindi na raw ito nagising mula sa pagkakatulog.