Pinatutsadahan ni Darryl Yap ang isang umano'y basher na nagsabing "insecure" raw siya dahil sa pagpopost niya ng mga naipundar niya kamakailan.

Sa isang Facebook post noong Disyembre 31, ibinahagi ni Yap ang screenshot ng tweet ng isang netizen na nagngangalang "Vincent Onasin Alagao."

Ayon sa netizen, "ang lakas ng tama ni Darryl Yap. Never boast about riches or material wealth. Life is like a wheel, sometimes you're up, sometimes you're down. Adage sound cliche, but it hold much wisdom. Shallow, replaceable treasures such as 3 condo units and four vehicles can be easily lost."

"Esp. through a catastrophic majeure or man made fault like being mired in deep debt. Anyway these are words of an insecure person. This is his way of securing his insecurities. Nakakaawa ka Darryl Yap, you don't know that you are flauntingyour loneliness and miseries. Buhay SCROOGE ka lang," dagdag pa nito.

Darryl Yap, nagpasaring sa isang 'Wannabe'; ibinida ang mga naipundar

Kaya naman pinatutsadahan ito ng direktor.

"Yung pagpopost ko raw ng 3 condo units, 4 cars ay sign na insecure ako. HAHAHA! Beh, baka pag pinost ko yung bags, shoes, jetski and all— baka may mental health problem na ko?" sey niya sa caption.

"Pinost ko yun para sa mga gaya mo,sa mga pinaniniwalang masaya sila,Walang Taong laging masaya, kasi wala yung halaga. Dapat marunong kang maging malungkot para alam mo ang saysay ng kaligayahan.

"Para sa gaya mo ang mga post ko na iyon,Buo ang aking pamilya, may magandang kareraat may mga matatapang na taga-suporta—kung malungkot man yun sa paningin mo—Atleast malungkot akong mayaman…kesa kayo—malungkot na mahirap at laging apektado sa malungkot na mayamang katulad ko," pasaring pa nito.

Noong bisperas ng Pasko, matatandaang agpatutsada si Yap sa isang “wannabe”, na aniya ay hindi maaabot o makakamtan ang mga bagay na mayroon siya ngayon.

“Magpapasko akong may 3 condo, 4 na sasakyan, isang pinapagawang bahay, may totoong box office record at walang nudes o sex scandal.”

“Sorry Wannabe, hindi mo kayang magpasko nang ganyan,” aniya pa.

Hindi naman tinukoy ng direktor kung sino ang pinariringgan niya.